
Nakarating na sa Daanbantayan, Cebu ang mga tauhan ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) na magbibigay ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief.
Ito ay kung saan ang grupo ay naka-deploy sa probinsya sa loob ng pitong araw upang umasiste at magbigay tulong sa probinsya matapos ang pagyanig ng magnitude 6.9 na lindol.
Bago iyan ay una munang nakipagkita ang grupo kay Daanbantayan, Cebu Mayor Gilbert Arrabis Jr.
Bukod sa pagpapadala ng Valenzuela LGU ng kanilang tauhan ay nagbigay din ang lungsod ng 2.8 million pesos donasyon sa ilang probinsya sa Cebu partukular na ang City of Bogo, Medellin, San Remegio, Madridejos, at Daanbantayan.
Facebook Comments









