Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Valenzuela City First District Representative Rex Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay matapos na i-bypass ng Commission on Appointments (CA) si dating DSWD Secretary Erwin Tulfo at itinalagang Officer-in-Charge si DSWD Usec. Eduardo Punay.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, kanina ay nanumpa na kay Pangulong Marcos si Gathalian sa Malacañang.
Sa ilalim daw ng pamumuno ni Gatchalian bilang alkalde, napabilang ang Valenzuela sa Top 10 Outstanding Local Governance Programs sa Galing Pook Awards noong 2021.
Nakilala rin si Mayor Rex para sa mga programang nailunsad para sa social protection at disaster response.
Facebook Comments