Valenzuela City, handa na sa malakas na ulan dala ng Bagyong Ulysses ngayong gabi

36

Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City para sa inaasahang paglakas pa ng ulan ngayong gabi dulot ng Bagyong Ulysses.

Nagsimula na kaninang hapon ang preemptive evacuation sa mga residente na nakatira sa may Tullahan River at sa A. Fernando Marullas.


Unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga inilikas na residente sa Valenzuela National High School.

Nakaposisyon naman sa may Tullahan Bridge ang mga rescue vehicles at trucks sakaling kailanganin ang rescue at pag-transport sa mga taong maiipit sa pagbaha.

Magdamag ding tututok at nakamonitor ang rescue teams ngayong nasa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 3 ang Metro Manila.

Facebook Comments