Ipapahiram ng Valenzuela City ang kanilang vaccination sites sa mga karatig-bayan o syudad sa sandaling matapos na sila ng pagbabakuna.
Ito ang naging commitment ni Mayor Rex Gatchalian sa National Task Force Against COVID-19, base rin sa napag-usapan ng Metro Manila Council.
Ayon kay Gatchalian, kapag naabot na nila ang 70% o katumbas ng 467,000 na target mabakunahan sa lungsod ay hindi na muna nila tatanggalin ang set-up sa mga vaccination site.
Aniya, ito ay para magamit pa ng ibang lugar sa Bulacan na maaaring walang kasing laking logistics.
Partikular na tinukoy ng alkalde ang mga katabing lugar nila na Obando, Marilao, Meycauayan at Santa Maria o Southern Bulacan.
Facebook Comments