Valenzuela City, hinihimok ang mga opisina at mga residente na makiisa sa earthquake drill

23

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang lahat ng mga opisina at mga residente na makiisa sa 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ang NSED ay gaganapin ngayong araw sa ganap na alas-9:00 ng umaga.


Ang drill na may temang duck, cover and hold ay isasagawa sa online.

Kaya naman, kahit nasa kanya-kanyang mga bahay at opisina sa pribado man o pampubliko ay iniimibitahang makiisa sa programa.

Ituturo rin dito ang tamang pamamaraan ng duck, cover and hold at mga dapat na gawin at iwasan sakali mang magkalindol.

Facebook Comments