Magsasagawa ngayong araw ng serbisyong medikal ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.
Idaraos ang Alagang Valenzuelano Medical Mission Program sa Pinagbayanan, Lingunan at sa De Castro Covered Court, Paso de Blas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Inaanyayahan ang mga residente sa lugar na samantalahin ang libreng pagpapakonsulta para sa kanilang kalusugan at mga karamdaman.
Magkakaloob ang medical mission ng mga sumusunod na serbisyo :
– Medical check-up and consultation
– ECG screening
– X-ray
– Laboratory examinations (FBS, cholesterol, urinalysis, CBC, uric acid, at platelet count)
– Family planning services
– at Sagip Tanaw Project (eye check-up, free reading glasses, at cataract screening)
Para sa schedule ng ibang barangay ay pinayuhan naman ang mga residente na mag-antabay sa official social media sites ng lungsod.