Valenzuela RTC, bantay sarado na sa gagawing arraignment sa graft case ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo

Mahigpit na ang seguridad sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC) kung saan inaasahang babasahan ng sakdal sa kasong graft si dismissed Bamban Mayor Alice Guo ngayong hapon.

Bandang alas-1:30 ng hapon, inaasahang dadalhin si Guo sa Valenzuela RTC mula sa Philippine National Police (PNP) detention facility.

Una nang inilipat ang kasong graft ni Guo dahil ipinunto ng Capas, Tarlac RTC.


Batay kasi sa batas, ang isang kaso laban sa isang halal na opisyal ay hindi dapat ihain sa judicial region kung saan nakaupo ang akusadong halal ng bayan.

May mga tauhan ng PNP na may dalang canine dogs ang nagiinspeksyon sa paligid.

May mga pulis din na armado ng matataas na uri ng baril ang nakatalaga na sa paligid ng korte.

Facebook Comments