Sinisilip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto at ma-validate ang listahan ng mga mahihirap na pamilya pagsapit ng Hunyo.
Ayon kay DSWD National Household Targeting Office Director Justin Batocabe, umaasa silang mailalabas ang ang kumpleto at beripikadong datos sa katapusan ng ikalawang kwarter ng taon.
May posibilidad na ang kanilang schedule sa pagkumpleto ng validated list ng mga mahihirap na pamilya ay mapalawig hanggang sa Hulyo.
Sa ngayon, ang DSWD ay nakapag-assess na ng higit 14.49 million families o 92.3% ng 16.1 million households na target i-evaluate sa ilalim ng third round assessment ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction.
Facebook Comments