Ang validation team ay pinangunahan ng PDEA Region 2 kasama ang Barangay Anti-Drug Abuse Council at ng PNP.
Ang PNP contingent sa validation team ay pinamunuan ni Police Major Ferdinand Datu, Acting Chief of Police ng Reina Mercedes, Isabela.
Sa resulta ng naturang Validation, napanatili ng Barangay Salucong, ng nasabing bayan ang pagiging drug free nito dahil walang nakatira na gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot dito.
Samantala, bago pa man isagawa ang validation ngayong araw, ang bayan ng Reina Mercedes, Isabela ay mayroong dalawampu (20 ) na mga barangays kung saan labing siyam (19) dito ang deklaradong drug cleared at isang barangay naman ang drug free.
Ang bayan ng Reina Mercedes ay mayroong kabuuang 234 na bilang ng mga tokhang responders at karamihan sa kanila ay nakapagtapos ng Community based recovery and wellness program.
Mula sa 234, labing anim rito ang naiwan habang lima sa kanila ang hindi na mahanapan dahil umalis at pumunta na ang mga ito sa ibang lugar.
Apat naman ang Overseas workers, dalawa naman ang naaresto na nakakulong ngayon sa Isabela Provincial Jail at apat naman ang namatay dahil sa kampanya laban sa droga.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kampanya ng PNP Reina Mercedes laban sa ipinagbabawal na gamot.