San Fernando, La Union – Nagsimula ng magsagawa ng validation ang Department of Social Welfare and Development Region 1 sa mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda sa ilailim ng Social Amelioration Program. Kasama sa validation team ng ahensya ang DILG, PNP at AFP bilang tugon sa Memorandum Circular Number 09 na pagsasagawa ng validation sa loob ng labing limang araw matapos magsumite ng liquidation ang LGU.
Sa panayam ng iFM Dagupan, kay Darwin Chan, ang DSWD Region 1 Information Officer, nauna na ang probinsiya ng Ilocos Sur at naka schedule na rin ang validation sa Ilocos Norte, La Union at dito sa Pangasinan. Kung sakaling mapatunayan na hindi kwalipikado ang benepisyaryong tumanggap ay agad itong ipagbibigay alam sa LGU at sasailalim sa imbestigasyon. Umabot sa 4, 203 , 875, 500 ang naibigay sa 764, 341 na benepisyaryo sa buong rehiyon.