Pinalawig ng National Telecommunications Commission (NTC) ang validity ng lahat ng existing telecom at broadcast permits hanggang katapusan ng taon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Batay sa Memorandum Order No. 14-07-2020 nitong July 29, 2020, sinabi ng NTC na ang lahat ng permits, licenses at certificates para makapag-operate ng radio communications equipment, networks at facilities, public telecom, broadcast, mapa-gobyerno man o pribado na mapapaso ngayong taon ay mananatiling valid at pwedeng i-renew bago o sa mismong araw ng huling working day ng December 2020 na walang ipapataw na penalties o surcharges.
Ayon sa NTC, mayroong mobility issues partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o General Community Quarantine (GCQ).
Samantala, nakipagtulungan ang legal at regulatory team ng PLDT sa NTC para matiyak na may sapat silang panahon para makakuha ng renewals sa gitna ng pandemya.