Nagtakda na ang pamahalaan ng fixed validity period para sa license to own and possess firearms, registration at permit to carry firearms outside of residence or place of business.
Sa nilagdaang Republic Act 11766 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD), dalawang taon na ang validity ng permit mula sa dating kada isang taon para makapagdala ng baril sa labas ng bahay o sa lugar ng negosyo.
Para naman sa lahat ng lisensya para makapagmay-ari ng baril o license to own and posses a firearm, kahit anupamang klase ito ay ire-renew na sa kada lima o 10 taon, opsyon ng licensee, mula sa dating kada dalawang taon habang ang registration naman ng baril ay mare-renew na ng kada lima o sampung taon din mula sa apat na taon.
Kapag nabigong mai-renew ang registration ng baril bago ang petsa ng expiration nito ay maaaring ma-revoked ang lisensiya ng baril, kukumpiskahin ang armas matapos ang due process.
Sa ilalim din ng batas, ang kabiguan na ma-renew ang lisensiya o registration ng baril sa loob ng panahong itinakda sa dalawang pagkakataon ay magiging dahilan para sa perpetual disqualification ng holder ng baril na makapag aplay muli para sa anupamang lisensya ng baril sa hinaharap.
Ang application for renewal ng lisensya at registration ay isusumite sa firearms and explosives office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng anim na buwan bago ang petsa ng expiration ng mga ito.