Dalawang kidnaper na Chinese nahuli ng PNP sa Pampanga

189

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese na dumukot sa isang Vietnamese at isa pang Chinese.

Kinilala ni AKG Director PBGen. Rudolph B. Dimas ang mga suspek na sina: Huang Jun, 26; at Lu Zhillin, 22 anyos; parehong Chinese nationals na tumutuloy sa Clark Majestic World, Mabalacat, Pampanga.

Dinukot umano ng dalawa ang Vietnamese national na si Vo Nguyen Huyen Chau nitong May 11 sa PBCom Building sa Makati, na narekober ng AKG nitong May 13, matapos pakawalan ng mga kidnapper.


Isinalaysay ng biktima sa AKG na dinala siya ng mga kidnaper sa Clark Majestic World, Pampanga, kaya nag-deploy ang AKG ng mga operatiba sa lugar.

Dito nila naaresto ang dalawang suspek na may kasamang isang Chinese na naka-posas na lumalabas na panibagong kidnap victim, na kinilalang si Li Jin Le.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng AKG ang mga suspek na nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention.



Facebook Comments