Van Gogh painting, ninakaw sa museum na nakasara dahil sa coronavirus

Vincent van Gogh's "Spring Garden"

THE HAGUE, Netherlands — Ninakaw umano ang isang painting ni Vincent van Gogh mula sa Dutch museum na sarado dahil sa COVID-19 pandemic.

Napaulat na nilooban ang Singer Laren Museum, Lunes ng madaling araw.

Kalaunan sinabi ng museo na nawawala ang “Spring Garden” ng tanyag na Dutch painter, na hiniram sa Groniger Museum.


“I am shocked and unbelievably pissed off,” pahayag ni museum director Jan Rudolph de Lorm.

Hindi pa tukoy kung magkano ang halaga ng tinangay na obra.

Facebook Comments