Van, wasak nang sumalpok sa concrete barrier; driver at pahinante aminadong lasing

214

Dalawang katao ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa concrete barrier sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, hatinggabi nitong Huwebes.


Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi na parang lata ang harapang bahagi ng sasakyan at nalaglag ang concete barrier sa construction area ng tinatayong MRT-7.

Napag-alaman ng mga rumespondeng kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakainom ang nasugatang driver at pahinante ng van nang maganap ang insidente.

Wala rin daw maipakitang lisensya ang tsuper ng puting van.

Mabilis din umano ang takbo ng sasakyan na naging dahilan ng aksidente, ayon pa sa MMDA.

Mahaharap ang driver sa kasong damage to public property at driving under the influence of alcohol.

Facebook Comments