Vape at tobacco industry, umuusbong na pinagmumulan ng tax evasion sa bansa —BIR

Posibleng matagal nang pinagmumulan o paraan ng pag-iwas sa buwis ang industriya ng vape at tabako sa bansa.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., dinoble na ng ahensya ang mga hakbang upang lansagin ang umuusbong na source ng tax evasion.

Aminado si Lumagui na pinakamahirap habulin ang mga nasa likod ng vape products dahil maituturing na bago itong industriya.

Habang ang smuggling aniya ng sigarilyo ang pinakatalamak ngayon sa tax evasion activities, kung titingnan ang bilyon -bilyong kitang nawala sa gobyerno.

Magugunita na nasa P3.26-B na halaga ng smuggled vape products ang nauna nang sinira ng BIR at Bureau of Customs na maituturing na pinakamalaking hakbang kontra sa mga gumagawa ng illicit trade sa bansa.

Partikular na dinidiskubre ng BIR ay ang iba’t ibang modus ng naturang industriya upang ipuslit sa bansa ang mga illegal nilang produkto.

Facebook Comments