MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act (RA) 10754 o batas para sa value added tax (VAT) exemption benefits ng mga Persons With Disabilities (PWDs) o mga may kapansanan.Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma – inihayag ni Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Bernardito Sayo na pinirmahan ng Pangulo ang batas nitong March 23.Sa nasabing batas, hindi na papatawan ng 12 percent VAT ang mga bibilhing goods and services ng mga PWDs maliban pa ang 20 percent discount na ipinagkakaloob sa kanila sa presyo ng ilang mga bilihin.Nakapaloob din sa PWD bill na naipasa sa Kongreso noon pang Disyembre 2015 na ang mga kamag-anak ng mga PWDs hanggang “fourth civil degree of consanguinity or affinity” na nag-aalaga sa kanila ay maaring maka-avail ng tax deduction na P25,000 sa kanilang annual income tax.
Vat Exemption Benefits Ng Mga May Kapansanan – Nilagdaan Na Ni Pangulong Noynoy Aquino
Facebook Comments