Casino Junket Operator Na Si Kim Wong – Nakahanda Umanong Ibalik Ang Bahagi Ng Perang Ninakaw Mula Sa Bank Of Bangladesh

4

MANILA – Maaari pang mabawi ang bahagi 81-Million Dollars na perang ninakaw mula sa Bank of Bangladesh.Ito’y matapos sabihin ng Casino Junket Operator na si Kim Wong sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon na handa siyang ibalik ang halaga ng nakaw na pera na natitira pa sa kanya at sa casino.Ayon kay Wong, ibabalik niya ang nasa $4.63 Milyong at P40 Milyon natira mula sa P550 Milyon na inilaro sa casino kasama ang operator na si Gao Shuhua.Kahit nga raw ang P450 Milyon mula sa pera ng Bangladesh Bank na bayad-utang sa kanya ni Gao ay isosoli din niya.Ayon naman sa Anti-Money Laundering Council Atty. Julia Bacay-Abad — may paraan para mabawi ang perang nanggaling sa ilegal na paraan.Samantala, ikinatuwa naman ng ambassador ng Bangladesh ang posibilidad ngayon na maibalik sa kanila ang bahagi ng nakaw na pera.

Facebook Comments