VAT, pinaaalis ni Alvarez

Manila, Philippines – Pinaa-alis ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang 12% Value Added Tax sa mga produkto at serbisyo.
 
Nais ni Alvarez na palitan na ang sistema ng VAT dahil malaki pa rin ang lugi ng gobyerno.
 
Tinukoy ni Alvarez ang leakage collection na nangyayari kaya hindi nakakakolekta ng malaki ang pamahalaan.
 
Nagagawa aniya ng mga negosyante na makipag kutsaba sa taga BIR para dayain ang resibo.
 
Dahil dito, ipinasasapribado na lamang ng Speaker ang koleksyon ng VAT upang mahigpitan at mamonitor ng mabuti kung talagang ayaw tanggalin ang VAT.
 
Hindi naman binanggit ni Alvarez kung magkano ang nawawalang kita sa pamahalaan pero sinabi nito na ang leak ay sa input vat dahilan para pumalo lamang sa 4.3% ang collection rate ng gobyerno sa VAT kada taon.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Conde Batac

Facebook Comments