Umaapela si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla sa gobyerno na bawasan ang Value-Added Tax (VAT) na ipinapataw sa mga pangunahing bilihin.
Layunin ng panawagan ni Mercado-Revilla na maibsan ang epekto ng pandaigdigang krisis sa langis sa mga pamilyang Pilipino.
Tinukoy ng kongresista na pangunahing dapat bawasan ang VAT sa pagkain tulad ng sardinas, itlog, tinapay, kape, asukal, at bigas.
Ayon kay Mercado-Revilla, ang mga nabanggit na pagkain ang pangunahing binibili ng milyun-milyong Pilipino, lalo na ng mga kabilang sa middle class at mga mababa ang sahod na labis na apektado ng kasalukuyang krisis.
Dagdag pa ng kongresista, dapat higpitan ang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at suportahan ang mga sektor na lubos na naaapektuhan ng tumataas na presyo ng langis at iba pang bilihin.
