VaxCertPH para sa mga ba-biyahe abroad, maaari ng ma-access ng publiko

Maaari ng magamit sa bansa ang VaxCertPH program, isang portal na mag-iisyu ng COVID vaccination certificates para sa mga bakunadong aalis ng bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang VaxCertPH program ay maaring gamitin sa domestic o international travel alinsunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO) para sa digital documentation ng COVID-19 certificates.

Aniya, layon nito na masiguro na ang Overseas Filipino Workers (OFW) at iba pang babyahe abroad ay hindi magkaroon ng problema.


Umapela naman si Duque sa mga Local Government Unit (LGU) na palagian i-update ang listahan ng kanilang mga constituents na nabakunahan na.

Facebook Comments