VCO, mabisang panlaban sa COVID-19 ayon sa Int’l Journal

Inilabas na ng isang International Journal ang resulta ng isinagawang clinical trials sa bansa sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang gamot kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña kung saan binigyan nito na napakahalagang ma-publish ang isinagawang pag-aaral.

Sa isinagawang clinical trial, lumabas na epektibo ang VCO bilang “functional food” na nakatutulong panggamot sa COVID-19.


Dahil dito, pinagpaplanuhan na rin ang pagpapalawig pa sa nasabing clinical trials kung saan binabalak na gawin ito sa Valenzuela at Muntinlupa.

Facebook Comments