Maaring gamitin ang virgin coconut oil (VCO) bilang “viable” at “affordable” treatment laban sa COVID-19.
Sa Talakayang HeaRTBeat, iprinisenta ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña ang resulta ng mga pag-aaral na isinagawa sa VCO.
Ayon kay Dela Peña, ang VCO ay mayroong antiviral properties laban sa mild COVID-19 cases.
“Based on available literature, compounds in coconut oil have shown to be safe and effective at killing viruses,” sabi ni Dela Peña.
Sinusuportahan din ito ng dalawang research studies para sa VCO, kabilang ang in-vivo project na pinangungunahan ni Dr. Fabian Dayrit at kanyang team mula sa Ateneo De Manila Univeristy.
Sinabi ni Dela Peña na ang resulta sa in-vitro experiments na isinagawa ng team ni Dr. Dayrit ay nakitaan ng “favorable results”.
“These results are consistent with the previous literature in terms of VCO’s capability to destroy the virus, but not on its capability to prevent viral replication. This work will provide the global health community insights on VCO as viable and affordable treatment against COVID-19,” ani Dela Peña.
Ang ikalawang proyekto ay ang isinagawang clinical trials sa Santa Rosa Community Quarantine Facility sas Santa Rosa Community Hospital sa Laguna sa pangunguna ni Dr. Imelda Angeles-Agdeppa mula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng DOST.
Lumalabas na kapag hinalo ang VCO sa pagkain ay nababawasan nito ang COVID-19 symptoms at napipigilan ang paglala pa ng sakit.
Bukod sa pagpigil sa pagkalat ng virus, makakatulong din ito sa mga coconut farmers at mapalakas ang coconut industry ng bansa.