Vehicular Accident sa Tumauini, Isabela, Tumaas!

Tumauini, Isabela- Patuloy na pinaaalalahanan ng PNP Tumauini ang kanilang mga kababayan na laging mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga motoristang pasaway at lasing na nagmamaneho sa mga lansangan sa bayan ng Tumauini Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PNP Tumauini Chief of Police, Police Senior Inspector Noel Gumaru sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon, Hulyo 14, 2018.

Aniya, umaabot na umano sa walumpu’t limang porsyento ang naitalang mga aksidente sa lansangan sa kanilang bayan kung saan ay karamihan sa mga nadidisgrasya ay mga lasing na drayber ng motorsiklo.


Dagdag pa ni PSI Gumaru, ang kanilang bayan umano ay isa maituturing na papaunlad na bayan sa lalawigan ng Isabela kaya’t madami din umano ang dumadayong mga motoristang galing sa bayan ng Sto. Tomas at Delfin Albano upang mamasyal na kadalasan ding nasasangkot sa nadidisgrasya.

Dahil dito ay lalo pa umano nilang pinaiigting ang kanilang Patrol Beat System, Check points at patuloy na pamamahagi ng mga IEC materials upang ipaalala at ituro sa mga tao ang mga dapat na sundin lalo na sa batas trapiko.

Ipinaalala pa ni PSI Gumaru na dapat umanong maging responsible sap ag mamaneho at pagsapit umano ng alas dyes ng gabi ay wala ng mga tambay na pakalat kalat sa mga lansangan upang maiwasan ang mga insidente at mga disgrasyang nangyayari sa kanilang bayan.

Facebook Comments