Vendor na Wanted sa Batas, Huli ng mga Otoridad!

*Tumauini, Isabela- *Arestado ang isang fish vendor na wanted sa batas matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Malamag West, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Johny Cagurangan, 54 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Malamag West, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, pasado alas singko ng hapon, Marso 26, 2019 nang silbihan ng mga kasapi ng PNP Tumauini si Cagurangan sa bisa ng mandamiento de aresto an ipinalabas ni hukom Ramon Corazon P. Blanco ng 3rd MCTC Tumauini-Delfin Albano dahil sa kasong Serious Physical Injuries.


Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na P12,000.00.

Facebook Comments