Vendors at market-goers, obligado nang magsuot ng face shield at face mask sa Quezon City

Inoobliga ngayon ang mga vendors at market-goers na magsuot ng face shields bukod sa face mask sa mga palengke sa Quezon City.

Kasunod ng apat na sunod na linggong mababang kaso ng COVID-19, nais ng Quezon City Market Development and Administration Department na paigtingin pa ang pagsisikap na mapanatili ang zero transmission ng COVID-19 virus sa mga palengke.

Sa inilabas na Memorandum Circular ni Ma. Margarita Santos, ang MDAD OIC, inaatasan nito ang mga market operators at vendors sa public at private markets, talipapa, tiangge at hawkers na maging istrikto sa pagsunod sa health at security protocols sa loob at labas ng market facilities.


Kasama rin sa polisiya na ipinatutupad ang pag-disinfect sa pera.

Obligado ang mga mamimili na i-sanitize muna ng alcohol ang perang ibabayad sa mga vendors gayundin ang sukli na kanilang iaabot sa mga mamimili.

Kamakailan lamang inisyuhan ng Notice of Violation at ECQ Guidelines ang administrator ng Commonwealth Public Market sa kabiguan na ipatupad ang social distancing sa loob ng palengke.

Facebook Comments