VEP, tiniyak na sasailalim sa mabusising evaluation ang susunod na new generation COVID-19 vaccines

Siniguro ng Vaccine Expert Panel (VEP) na dadaan muna sa mabusising evaluation ang mga pag-aaral kaugnay sa mga susunod na generation ng COVID-19 vaccines sa oras na maging available na ang mga bakunang ito para sa publiko.

Sinabi ito ni Dr. Nina Gloriani, sa harap ng inaasahang pagiging available sa Estados Unidos ng mga bagong bakuna sa buwan ng Oktubre.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng eksperto na sa kasalukuyan, maganda ang mga sinasabing epekto at bisa ng mga bagong bakuna laban sa kasalukuyan sub-variants ng COVID-19.


Posible aniya na maging second booster dose ito ng mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng ikalawang booster.

At posible rin na maging third booster dose ito ng mga indibidwal na una nang nakatanggap ng ikalawang booster dose.

Pero, maingat pa ring aaralin ng gobyerno ang datos, at mga pag-aaral kaugnay sa benepisyong maibibigay ng dagdag na bakunang ito para sa isang indibidwal.

Facebook Comments