Mahigit 1,000 motorista, nasita sa unang araw ng expanded number coding scheme

46

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mahigit isang libong motorista ang nasita ngayong Lunes sa unang araw ng pagbabalik ng expanded number coding scheme.

Ayon sa MMDA, warning muna ang ibinigay nila sa mga motorista at sa Huwebes, August 18 ay saka pa lamang sila magsisimulang mag-iissue ng ticket.

Ang extended number coding scheme ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.


Exempted naman sa extended number coding scheme ang mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments