Umaasa ang Vaccine Expert Panel (VEP) na maikokonsidera rin ang mga indibidwal na mayroong comorbidity sa mga pinapayagan nang tumanggap ng ikalawang booster dose ng COVID vaccine.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng VEP na matagal na nilang inirekomenda na mapabilang sa mabibigyang ng second booster ang mga indibidwal na mayroong comorbidities.
Gayunpaman, batid aniya nila na mayroong socio-economic benefit na isinasaalang-alang sa usaping ito.
Ito aniya ang dahilan kung bakit mahalaga na maikonsidera ang mga pag-aaral sa lebel ng pagiging immunocompromise ng mga indibidwal na nakakaranas ng maraming chronic diseases.
Aniya, posible na mas immunocompromised pa ang mga indibiwal na mayroong iniindang mga sakit, kaya kailangan malaman ang medical status ng mga ito.