Pangulong Duterte, hectic ang schedule ngayong linggo

58

Ilang araw bago tuluyang bumaba sa pwesto ay marami pa ring aktibidad na dadaluhan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw inaasahang pangungunahan ng pangulo ang Conferment of Awards para sa mga bagong hirang na national artists, dadalo rin ang presidente sa signing ceremony ng loan agreement para sa South Commuter Railway Project at lalahok sa Presentasyon ng progress report ng National Government-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body sa Palasyo.

Samantala, sa Biyernes naman ay inaasahang pangungunahan ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ng Philippine Sports Training Centre sa Bagac, Bataan.


Sa Linggo, June 19 ay inaasahan ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ni Vice President-elect at kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio sa Davao City.

Facebook Comments