
Cauayan City – Isinagawa kahapon, ika-2 ng Mayo, ang verification ng official ballots na gagamiting sa nalalapit na National and Local Elections sa Bayan ng Burgos, Isabela
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Burgos, tagumpay at ligtas na isinagawa ang verification ng mga official ballots na gagamitin sa halalan.
Bilang bahagi ng layuning mapanatili ang transparency at tiwala ng publiko, hinikayat rin ng COMELEC Burgos ang mga kandidato, kinatawan ng mga partido, at iba pang stakeholders na dumalo o magpadala ng kanilang opisyal na watchers upang masaksihan ang proseso ng verification.
Tiniyak ng mga opisyal na ang lahat ng hakbang ay ginagawa upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng halalan sa Burgos, Isabela.
Facebook Comments









