Cauayan City, Isabela – Siniguro ni Cauayan City Mayor Bernard Dy na hindi nakakalusot na hindi karapat dapat tumanggap ng SAP fund.
Ito ay bilang tugon sa dumaraming feedback ng mga mamamayan hinggil sa sistema ng mamumudmod sa mga beneficiaries. Batay sa panayam ng 98.5 iFm Cauayan sa punong lungsod, bumuo na sila ng validation team na tututok sa mga reklamo ng mamamayan. Ito ay bunga narin ng mga reklamong dumating sa kanyang kaalaman sa pamamagitan ng una na nilang binuong sumbungan center.
Sa Executive Order na inilabas, maaaring ma blacklist sa anumang programa ng LGU ang sinumang mapapatunayang hindi karapat dapat sa ayuda. Maliban pa sa maaari din silang masampahan ng kasong falsification of documents.
Ang Validation Team ay composite team na bubuuin ng mga guro sa mga barangay at ilang opisyang ng pamhalaang panglungsod.
Mula sa araw na ito ay magtutungo sa mga barangay na pinagmulan ng reklamo ang validation team. Binigyan ng limang araw ang validation team para i-verify ang reklamo.