VERY GOOD RATING | Mataas na ratings ni Pangulong Duterte, "artificial" lamang – oposisyon

Manila, Philippines – Tinawag na artipisyal ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang latest SWS survey ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakakuha ng 70% gross satisfaction ratings ang Pangulo ngayong 1st quarter ng 2018 kung saan isang puntos lamang ang ibinaba nito noong December 2017.

Ayon kay Villarin, nanatili pa rin ang mataas na ratings ng Pangulo dahil sa paggana ng mga makinarya nito para mas lalo pang mapalakas ang suporta ngayong papalapit na rin ang eleksyon.


Pero sa kabila nito sinabi ni Villarin, bumagsak naman ang ratings ng Pangulo sa Luzon mula 50% ngayon ay 39%, at sa Metro Manila mula 55% ngayon ay 54%.

Giit ni Villarin, tiyak na bababa pa ang ratings dahil mararamdaman lalo ng mga taga Luzon at NCR ang epekto ng mga polisiya ng administrasyon partikular sa usapin ng charter change, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kakulangan ng suplay sa bigas, problema sa trapiko, at ENDO.

Facebook Comments