VERY PEACEFUL | SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte, mapayapa ayon sa PNP

Manila, Philippines – Very peaceful, ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police sa isinagawang ikatlong State of the nation address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara.

Ayon kay NCRPO regional director Guillermo Eleazar walang naitalang anumang untoward incident sa kabila ng pagdagsa ng mga raliyista.

Sinabi ni Eleazar na pinakamaraming bilang ng mga raliyista na naitala sa kanilang buong araw na monitoring ay umabot sa labing limang libo ito ay mga anti-Duterte habang umakyat sa sampung libo ang mga raliyista mula sa Pro Duterte.


Lahat aniya ng napagusapan nila ng mga lider ng militante mapa pro at anti groups man ito ay nasunod kaya walang naging problema.

Hindi naman agad pinaalis ng PNP ang mga raliyistang nagsagawa pa ng programa.

Ito ay sa kabila na hanggang 6:30 lamang pinayagan ang mga itong magsagawa ng programa.

At dahil mapayapa ang SONA kumpyansa naman si Eleazar na wala ring namonitor na paglabag sa karapatang pantao ang 40 kinatawan ng Commission on Human Rights laban sa mga pulis.

Facebook Comments