Vetting process sa pagtatalaga ng cabinet members, dapat simulan kahit kampanya pa lang ayon sa isang pol. analyst

Hinimok ng isang political analyst ang mga kandidato sa pagkapangulo na maagang simulan ang vetting process o pagsuri sa mga taong balak nilang italaga sa gabinete.

Ayon kay Atty. Michael Yusingco, hindi kasi maiiwasan na mahaluan ng politika maging ang appointing power ng isang pangulo.

Aniya, kahit kampanya pa lang, dapat na nagbibigay na ng kanilang potential appointees ang mga kandidato upang agad silang masuri at maiwasan ang gulatan pagdating sa kanilang confirmation process.


Naniniwala rin si Yusingco na mahalagang masiyasat ng mga mambabatas maging ang personal issues ng isang appointee na maaaring makaapekto sa kanyang pagdedesisyon para sa interes ng bansa.

Matatandaang ipinagpaliban ng Commission on Appointments ang pagdinig sa kumpirmasyon ni DSWD Secretary Erwin Tulfo upang mas mabusisi pa ang mga isyung kinahaharap nito gaya ng kanyang citizenship, libel case at pagkakaroon ng maraming anak sa iba’t ibang babae.

Facebook Comments