Pabor ang mga defense at security officials na panatilihin ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang VFA ay instrumento para magpatuloy ang pag-develop ng Pilipinas at Estados Unidos ng kanilang military interoperability at capability doctrines, na sumusuporta sa Mutual Defense Treaty.
Pero ang pinal na desisyon kung tatapusin o babawiin ang abrogation ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay maaaring palakasin ang kakayagan nito sa pamamagitan ng paggamit o pagsubok sa mga bagong equipment mula sa US sa joint exercises sa pamamagitan ng VFA.
Dagdag pa ni Lorenzana, importanteng walang mangyayaring miscalculations at aksidente sa South China Sea.
Iniiwasan ng Pilipinas na magsagawa ng exercises sa pinagtatalunang teritoryo dahil posibleng tumaas ang tensyon sa lugar.
Mahalagang magkaroon ng matatag at mapayapang sitwasyon sa South China Sea.