VFA, hindi dapat idamay sa kinanselang US visa ni Senator Dela Rosa

Hindi nararapat at hindi kailangang idamay ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa isyu ng pagkansela sa US visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Reaksyon ito ni Senator Panfilo Ping Lacson sa banta ni pangulong rodrigo duterte na pagkansela sa VFA kapag hindi inayos ng us government ang kinanselang US visa ni Dela Rosa.

Paliwanag ni Lacson, ang visa ay conditional authorization lamang ng isang bansa sa mga bibisitang dayuhan na pwede ibigay, bawiin at tanggihan.


Ayon kay Lacson, ang VFA maman ay isang kasunduan na masusing pinag-aralan ng Pilipinas at America, at dumaan din sa matinding debate bago niratipikahan ng Senado.

Dahil dito ay binigyang diin ni Lacson na ang hirap unawain kung ano ang kaugnayan sa isa’t isa ng VFA at ng kanseladong US visa ni Dela Rosa.

Sa tanong kung ano ang epekto ng banta ng Pangulo sa relasyon ng Pilipinas at Amerika ay sinabi ni Lacson na nakadepende ito sa magiging tugon ng Estados Unidos.

Facebook Comments