May dahilan man o wala ay pwedeng ipakansela anumang oras ni pangulong rodrigo duterte ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Pahayag ito ni Foreign Relations Committee Chairman Senator Koko Pimentel kasunod ng banta ni Pangulong Duterte na tutuldukan ang VFA kapag hindi inayos ng us government ang kinanselang visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Paliwanag ni Pimentel, ang VFA ay isang executive agreement kaya pwedeng ipatupad anuman ang gustong gawin dito ng Pangulo.
Ayon kay Pimentel, pwede ring idahilan ni Pangulong Duterte na nag-bago na ang panahon kaya hindi na ito kailangan ng ating bansa.
Sinabi ni Pimentel, na pagkakataon na rin ang banta ng pangulo para muling pag-aralan at repasuhin ang VFA.
Facebook Comments