Vhong Navarro, itinangging makukulong siya dahil sa umano’y panggagahasa kay Deniece Cornejo

576

Showbiz – Itinanggi ng aktor na si Vhong Navvaro na makukulong na siya anumang araw ngayong linggo dahil sa umano’y panggagahasa kay Deniece Cornejo.

Say ni Vhong, kasinungalingan ang ipinost ng kolumnistang si Tony Calvento na makukulong na siya.

Giit naman ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, ito rin ang rape case na dalawang beses ng ibinasura ng DOJ laban sa aktor.

Aniya, DOJ na mismo ang nagsabing hindi kapani-paniwala ang akusasyon ni Deniece dahil muli pa niyang inimbitahan sa kaniyang condo si Vhong matapos ang petsang sinabi niyang ginahasa siya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments