Vic Ladlad, hindi terorista ayon sa kanyang asawa

Iginiit ni Kapatid Spokesperson Fides Lim na hindi terorista o kriminal ang kanyang asawa na si peace consultant Vicente Ladlad.

Sa statement, binanggit ni Lim ang mahabang record ng pagiging aktibista ni Ladlad kabilang ang political imprisonment dahil sa paglaban nito para sa bayan.

Binigyang diin ni Lim na inosente ang kanyang asawa at hahanap sila ng legal remedy.


Pagtatalaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) kay Ladlad bilang terorista ay isang “star chamber decision.”

“Google refers to the term ‘star chamber’ pejoratively as any secret or closed meeting held by a judicial or executive body, or to a court proceeding that seems grossly unfair or that is used to persecute an individual,” ani Lim.

“That is the very essence of the resolution that maliciously jumps the gun on the ongoing Supreme Court deliberations in order to sideswipe the final determination of the patent unconstitutionality of the Anti-Terrorism Act,” dagdag pa ni Lim.

Umaapela sila sa Commission on Human Rights (CHR) at sa International Committee of the Red Cross na palaging tingnan ang kondisyon ni Ladlad, Rey Claro Casambre, at Adelberto Silva, pawang mga political prisoners para matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad sa loob ng piitan.

Nanawagan din sila sa pamahalaan na huwag ilagay sa panganib ang kaligtasan ng kanilang pamilya at mga abogado o harangin sila sa pagbibigay suporta kay Ladlad.

Facebook Comments