Vice chairman ng New York Stock Exchange, naniniwalang makakukuha ng investment ang Pilipinas sa pagtungo ni PBBM sa New York Stock Exchange Business Forum

Positibo ang resulta sa mga negosyante sa ginawang pagharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga sa New York Stock Exchange sa Estados Unidos.

Ayon mismo Kay John Tuttle, vice chairman ng New York Stock Exchange, sa pagtungo ng pangulo sa New York Stock Exchange ay nagkaroon ng positibong pag-asa at kumpiyansa sa hanay ng mga negosyante.

Ito’y kaugnay sa posibilidad na makapaglagak ng investment prospects at partnership opportunities sa Pilipinas.


Bahagi ng working visit ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos na makadayalogo ang ilang American traders kabilang na ang pinuno ng Ilang US companies at ang partisipasyon ng presidente sa mga business roundtable sa harap ng target na maging emerging economy and investment destination sa Asya ang Pilipinas.

Facebook Comments