Ad interim appointment ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma, lusot na sa committee level ng Commission on Appointments

Nakalusot na sa committee level ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Ito ay matapos na ipagpaliban noong nakaraang linggo ng CA ang pagapruba sa appointment ni Laguesma dahil naman sa kakulangan sa oras.

Iminosyon ni Senator JV Ejercito na irekomenda na sa CA plenary ang ad interim appointment ni Laguesma na siya naman sinegundahan ni Senator Risa Hontiveros.


Kabilang naman sa mga naitanong sa kalihim ang isyu sa mga manggagawa at ang pagtatakda ng wage increase ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB.

Inaasahang ngayong tanghali ay maaprubahan na rin sa plenaryo ang kumpirmasyon sa appointment ni Laguesma.

Facebook Comments