Tinawag na “insensitive” at “privileged” ng netizens ang comedian, host na si Vice Ganda matapos ang kanyang tweet nitong Sabado, May 18.
Andaming nag aaway, andaming galit andaming nagkakagulo sa twitter, sa fb sa ig. Valakayojen!!!! Shopping muna ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooooo good!
— jose marie viceral (@vicegandako) May 18, 2019
Umani ng batikos ang tweet na ito na anila nagpapakita ng insensitivity at kawalan ng empathy ng Showtime host.
Sobra. Insensitive na, privileged pa. hayy
— Jericho Rayel Timbol (@jerichorayel) May 19, 2019
makabili din sana syang sensitivity at empathy
— Leon Yape (@aleonidesfood) May 19, 2019
Linggo ng gabi nang nag-tweet ulit si VIce Ganda ng sagot niya sa mga bumatikos sa nauna niyang tweet.
Nagtweet lang ako ng magshashopping ako sinabihan nako ng mga feeling WOKE ng ‘Privileged’! Bakit ako lng ba nakakapagshopping sa buong mundo? Mga shunga! Punta ka ng mall kahit walang trabaho nagshashopping!!! Dunung dunungan ang mga potahang feeling WOKE!
— jose marie viceral (@vicegandako) May 19, 2019
Nag-tweet din si Vice ng screenshot ng ilan sa mga tinutukoy niyang “feeling woke”.
Eto ung ilan sa mga muntik ng ma-stroke dahil sa pagsha-shopping ko. I do not know lang ha!!!!! Kissshhhh nga mga mamshies!!! 😘😘😘😘 pic.twitter.com/IqEfZYCE1E
— jose marie viceral (@vicegandako) May 19, 2019
Another batch of WOKE WOKAN candidates!!! Shit mahigpit ang laban. Ang huhusay nilng lahat!!! lelllzzzzz 🤣🤣🤣🤣🤣 pic.twitter.com/KRDc9qtDU8
— jose marie viceral (@vicegandako) May 19, 2019
Wow naman!!!! mga Woke-kininam kayo!!!! lolzzzzzz 🤣🤣🤣🤣🤣 pic.twitter.com/EjDeOK61Es
— jose marie viceral (@vicegandako) May 19, 2019
Sa kabila ng mga batikos, marami ring nagtanggol sa host, at naniniwalang walang mali sa sinabi ni Vice, at sadyang sobrang sensitibo na anila ang mga tao ngayon.
Paano naging insensitive ang self-care and self-love? She’s literally touring all over the globe para mag bring nang saya to every Filipinos, tapos mag shopping lang during free time is “privileged” and lacking of empathy na agad?
— thejy_ (@ThejyBanaag) May 19, 2019
Virtue signalling. Why should @vicegandako feel guilty and empathy kung hindi naman pera ng iba ginagasta nya? Maybe these “wokes” should also feel the same when they sip their lattes while typing away on their smartphones.
— rhee (@rhee_921) May 19, 2019
Sa huli, sinabi ni Vice na ang mga “feeling woke” at “woke-wokan” ang mga “pinakatoxic sa social media.”
Tinirada rin nito ang mga nagsabing kawalan ng empathy ang pahayag niya.
You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo? Maka empathy lang ang mga potaha! Nagshopping lang wala ng empathy!!! Empathy mo mukha mo!
— jose marie viceral (@vicegandako) May 19, 2019