Vice Ganda, walang sama ng loob kahit na hindi nakakuha ng anumang awards sa MMFF

“No big deal” yan ang sabi ngayon ng TV host/comedian na si Vice Ganda matapos na walang makuhang award ang movie entry nito sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Say ni Vice, kahit na zero sa awards itinuturing pa din niyang panalo ang kaniya movie dahil kumita ito ng halos 300 million pesos sa loob ng dalawang lingo.

Dahil dito, todo pasalamat si Vice sa kaniyang mga fans at huwag na daw siyang hingan ng komento sa mga nanalo ng awards.


Matatandaan na ang LGBT (lesbian-gay-bisexual-transgender) themed MMFF entry na “Rainbow’s Sunset” ang humakot ng mga parangal partikular ang ilang major awards ngunit na-isyu naman ang pag-papaalis sa kanila sa ilang sinehan.

Facebook Comments