Cauayan City, Isabela- Dismayado si Vice Governor Jose ‘Tam-An’ Tomas ng Nueva Vizcaya sa umano’y “pamumulitika” at ang pagsasayang umano ng pera ng taxpayers sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw Pebrero 22.
Base sa kanyang social media post,isang letter-complaint ng nagngangalang George Ferrer ang inaakusahan ang Tam-an Banaue Multipurpose Cooperative at si Vice Governor Tomas kung saan dati itong CEO ng naturang kooperatiba ukol sa isyu ng land-grabbing, batay sa talaan umano ng Department of Environment and Natural Resources subalit napag- alaman na pag-aari ito ng isang Danilo M. Ferrer at hindi ang pangalan ng nagrereklamo.
“Awan ti dagak idiay. Diay daga… ket under the name of the cooperative that is “Tam-an” Multipurpose Cooperative, and I happened to be the CEO but my name was directly… parang ako na ‘yung owner doon… It’s very clear that it is political harassment because I am not the owner, but ako ang ina-accuse…” punto niya.
Binasa rin ng bise gobernador ang isang probisyon ng Cooperative Code of the Philippines partikular ang Artikulo 3.
“It’s the people [who] organized themselves. Inted da diyay daga da iti cooperative [for it] to become a farm school and in the end, it will create employment for them, for their families. They’re the priority to be scholars and be employed… I have never encountered this George T. Ferrer nga adda daga na idyay,” paliwanag n’ya.
Kinuwestyon rin nito ang mga miyembro ng SP kung saan sinasabi umanong nakiisa sa public consultation sa Barangay hall Busilac na magsulat ng reklamo sa Sangguniang Panlalawigan imbes na magsampa ng kaukulang aksyon sa concerned body.
“‘Di ba, elementary procedure nga nu man adda complaint iti barangay, ‘di ba mai-file muna idyay barangay because adda Lupon idyay nga mang-decide? Bakit agad-agad immay ditoy Sangguniang Panlalawigan?” tanong n’ya.
Ipinupunto rito ng opisyal ang Lupon ng Tagapamayapa kung saan mandato ito ng Local Government Code na kailangang ayusin ang reklamo ng residente sa naturang barangay.
“…mabalin gayam nga apan tayo agkalap iti basura tapos tarataren tayo ditoy? We are spending taxpayers’ money here. Haan tayo kuma us-usaren daytoy nga pang-harass,” kung saan hinihimok nito ang mga kinatawan ng Sanggunian.