Vice Mayor Honey Lacuna, ipinroklama na bilang bagong alkalde ng lungsod ng Maynila matapos makakuha ng 503,492 votes

Pormal nang ipinroklama bilang alkalde ng lungsod ng Maynila si incumbent Manila City Vice Mayor Honey Lacuna.

Ito ay matapos makapagtala ng 503,492 votes, malayo sa katunggali nitong si Alex Lopez na mayroong 156,431 votes.

Wagi rin ang running mate nitong si Yul Servo Nieto sa pagka-bise alkalde kung saan nakakuha ito ng 548,576 votes kumpara sa katunggali nito an si Raymond Bagatsing na mayroon lamang 171,382 votes.


Si Lacuna ang kauna-unahang babae alkalde na maupo sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments