Pasig City mayoral candidate Iyo Bernardo, hindi tatanggapin ang pagkatalo laban sa katunggaling si incumbent Mayor Vico Sotto

2037

Hindi tatanggapin ni Pasig City mayoral candidate Iyo Bernardo ang pagkatalo laban kay incumbent Mayor Vico Sotto.

Ito ay kahit makapagtala si Sotto ng 330,720 votes, malayo sa 44.675 votes na natanggap ni Bernardo.

Ayon kay Bernardo, hindi ito kapani-kapaniwala at naniniwala siyang hindi siya tatanggap ng pagkatalo sa isang eleksyon na sa tingin niya ay dinaya.


Kaninang madaling araw ay nagsagawa ng protesta ang mga supporter ni Bernardo sa labas ng Pasig City Hall dahil sa kwestiyonable umanong landslide na pagkanalo ni Sotto.

Dito ay umapela sila ng manual recounting matapos sabihin ni Bernardo na wala siyang nakuhang boto sa sariling barangay sa barangay kapasigan.

Facebook Comments