Vice mayor, konsehal, 2 pulis arestado sa pasugalan sa gitna ng quarantine

Kalaboso ang isang vice mayor, isang konsehal at misis nito, dalawang pulis at 12 pang indibidwal sa magkahiwalay na pasugalang sinalakay noong Sabado sa Tuguegarao City, Cagayan.

Nahuling naglalaro ng mahjong ang mga opisyal na sina Vice Mayor Jolly Taberner ng Maconacon, Isabela, Konsehal Danilo Baccay ng Tuguegarao City at Staff Sergeants Maconel Pascua at Christine Ruiz.

Kasamang nadakip ng bise alkalde ang anim pang katao sa bahay ng kinilalang si Peter Laggui, residente ng Barangay Pengue Ruyu.


Nasamsam sa raid ang mahjong tiles, perang taya, at cal. 45 pistol na nasa pag-iingat ni Taberner.

Habang nadatnan naman si Konsehal Baccay, misis na si Monette, at isa pang indibidwal, na nagsusugal sa inuupahang bahay sa Barangay Leonarda.

Bukod sa kasong illegal gambling, nahaharap din ang mga naaresto sa paglabag sa quarantine protocol.

Facebook Comments