DENR-NCR at Field Office nito sa Navotas at Manila City, isinara para sa disinfection

Isinara na rin pansamanatala ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources-
National Capital Region (DENR-NCR) sa National Ecology Center sa East Avenue, Quezon City.

Ito’y para bigyang daan ang paglilinis at disinfection sa buong pasilidad upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng publiko at empleyado laban sa COVID-19 pandemic.

Maging ang DENR-NCR Field Office sa Navotas City at West Field Office sa Malate, Manila ay pansamantala ring isinara.


Base sa abiso ng DENR, lahat ng officials at personnel na nakatalaga sa mga tanggapan ay nasa alternative work arrangement.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga kliyente na gamitin muna ang online system sa pakiki-pagtransaksyon sa ahensiya.

Ang iba naman na may confirmed online appointments ay pinapayuhan din na ilipat sa ibang araw ang kanilang transaksyon.

Bukas, asahan nang magbabalik ang frontline services sa DENR-NCR.

Facebook Comments