Naniniwala si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na malawak pa ang disparity o kaibahan sa bilang ng mga elementarya at secondary schools sa bansa.
Ayon kay VP Sara, halos 80% ng mga eskwelahan ay nasa ilalim ng DepEd at 79% dito ay elementary schools.
Dahil dito ay nananatili aniyang suliranin na kailangang tugunan ang usapin sa inclusivity sa kabila ng pagresolba sa learning gaps.
Giit ni Duterte, kailangang mapabuti ang participation rate sa basic education lalo na ang mga mag-aaral mula sa indigenous people’s community, geographically-isolated at disadvantaged areas, Muslim youth, mga may kapansanan at out-of-school youth individuals.
Ang isa pang nakalulungkot na isyu ay ang pagsasara ng mga pribadong paaralan dulot ng COVID-19 pandemic na umabot na sa 1,600 mula 2020 hanggang 2022.
Isa sa dahilan ang pagbaba ng bilang ng enrollees sa private schools na nauuwi sa pagtigil ng operasyon.